Sa pagsisimula ng ika-anim na season ng UNTV CUP bukas, araw ng Martes ala sais ng gabi sa Smart Araneta Coliseum, apat na bagong koponan ang makikipagbakbakan sa hardcourt ng liga ng mga public servant.
Matutunghayan ang mga koponan ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Drug Busters, Commission on Audit o COA Enablers, Department of Agriculture o DA Food Master at Department of Health o DOH Health Achievers. Noong nakaraang linggo sumabak sa tune up game ang COA laban sa DA, at ang DOH kontra sa PDEA.
Samantala, kasama pa rin sa liga ang defending champion PNP responders, Season 5 2nd placer Malacanan – PSC Kamao at Season 5 3rd placer at two time Champion Judiciary Magis.
Ang two time champion rin na AFP Cavaliers at ang BFP Firefighters , Ombudsman Graft Busters , Senate Defenders , DOJ Justice Boosters , GSIS Furies , at NHA Builders.
Tulad ng nakaraang season, apat na milyong piso ang mapapanalunan ng tatanghaling kampion, dalawang milyong piso sa 2nd place, one million pesos sa third place at kalahating milyong piso sa ika –apat na pwesto.
Tig iisandaang libong piso naman ang matatanggap na consolation prize ng mga non winning team. Lahat ng ito ay itutulong nila sa kanilang mga napiling benificiary.
(Bernard Dadis / UNTV Correspondent)