Antiviral pill na molnupiravir, tiniyak na mabibili sa abot-kayang halaga

by Radyo La Verdad | October 21, 2021 (Thursday) | 2649

Target ng MSD Philippines na maipamahagi sa mga low at middle income countries ang antiviral oral pill na molnupiravir upang makatulong bilang early treatment kontra Covid-19.

Tiniyak ng managing Director nito na si Dr. Beaver Tamesis na hindi aabot sa 700 US dollars o katumbas ng mahigit 35,000 pesos ang isang treatment course ng molnupiravir  sa loob ng limang araw .

May kausap na rin silang pitong Indian generic manufacturers upang makapag-produce ng mas mura at accessible na antiviral pill na hindi mababago ang kalidad.

Nakikipag-negosasyon din ang msd sa nasa walong local pharmaceutical companies upang makapag-produce ng molnupiravir dito sa Pilipinas.

“I have great confidence, there is no way we will be at $700 if that’s the figure going around the US, I’m sure that’s not the price we will be at here. I don’t know what the final price will be, but for now I’m pretty sure that it won’t be $700,” pahayag ni Dr. Beaver Tamesis, President and Managing Director in PH, MSD.

Batay sa datos ng mga eksperto, mabisa ang molnupiravir upang maiwasan ang pagka-ospital at pagkasawi dulot ng covid-19 infection.

Kumpara sa ibang Covid-19 investigational drugs, ito ay dinisenyo para sa early treatment ng Covid-19 patients.

Tags: , ,