Niyanig ng magnitude 5.3 na lindol ang Antique province 7:32 kagabi.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naramdaman ang sentro ng pagyanig sa silangan ng Valderrama town.
May 10 kilometro na lalim ang pagyanig at tectonic in origin.
Naramdaman din ang lakas ng lindol na intensity five sa Valderama, Tibiao, San Jose de Buenavista at San Remegio, Antique, intensity four sa Iloilo City, Anini-y, Sibalom, at Hamtic, Antique.
Habang three sa Malay, Aklan; Silay City, Negros Occidental; Dao, Capiz; Pandan, Antique at intensity two Bacolod City; Hinigaran, La Carlota City, Sipalay City, at Kabangkalan City, Negros Occidental; Tayasan at Guihulngan, Negros Oriental; Dingle, Iloilo.
Sinabi naman ng Phivolcs na walang inasahang pinsala dulot ng pagyanig subalit posibleng makaramdam ng mga aftershocks.
(UNTV RADIO)
Tags: lindol, Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs)