Anti-Terrorism Bill, nirerepaso pa ng legal team ni Pangulong Duterte

by Erika Endraca | June 23, 2020 (Tuesday) | 71952

METRO MANILA – Wala pang aksyon si Pangulong Rodrigo Duterte sa kontrobersyal na Anti-Terrorism Bill.

Aniya, kasalukuyan pa itong nirerepaso ng kaniyang legal team.

Marami ang tutol na maisabatas ang panukala dahil sa anila’y mga probisyon nitong labag sa karapatang-pantao.

“My legal is still reviewing it, my legal team sa Malacanang, hindi ko pa natanggap, I had it reviewed. It’s always automatic, pagdaan sa akin, I endorse it to legal without even reading it actually, if you really want to know. It’s legal who will return it to me with a recommendation, by there, I will approve it or not. ” ani Pangulong Rodrigo Duterte.

Samantala, para naman sa Pangulo, ang pangunahing banta ng terorismo sa bansa ay ang mga rebeldeng komunista.

Tinuligsa rin ng Punong Ehekutibo ang pag-atake ng mga tauhan ng new people’s army sa mga pwersa ng pamahalaang may bitbit ng ayudang para sa mga apektado ng pandemiya.

“Terrorism is number one in our list. Actually the number one threat to the country hindi abu sayyaf, hindi ‘yung mga terorista of no value. Itong high value targets ito ‘yung mga komunista. Kaya ang utos ko talaga sa armed forces, sa sundalo, upakan mo, upakan mo.” ani Pangulong Rodrigo Duterte.

Inihayag din ng Punong Ehekutibo ang plano nitong paglilibot sa bansa para dumalaw sa mga kampo ng militar.

Aminado naman ang Pangulong kailangan niyang mag-ingat sa paglabas dahil nananatili ang banta ng COVID-19.

“Ako ‘yung ayaw talaga sa itong lockdown-lockdown. I hate it. pero ang sabi ko sa inyo, kung kayo hindi makatiis at tinamaan kayo, sorry na lang. Same is true for me. If I’m reckless enough, then I’d get it because in the coming days I intend to go around the country. Magbisita ako. Magbisita pa ako ng kampo ng mga military. So i’ll just have to take precautions. .”ani Pangulong Rodrigo Duterte.

( Rosalie Coz | UNTV News )

Tags: ,