Anti-terror council, uusigin ang mga grupong maghahasik ng gulo ngayong eleksyon

by Radyo La Verdad | March 18, 2022 (Friday) | 786

Hindi hahayaang makapanaig ng Anti-Terrorism Council (ATC) ang mga grupong konektado sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) na maghahasik ng gulo ngayong election period.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, hindi labag sa batas ang mga partidong kaugnay o sinusuportahan ng CPP-NPA liban na lang kung mangugulo at magpapahamak ng kapakanan ng publiko, saka ito aaksyunan ng anti-terrorism council.

Gayunpaman, walang sapat na ebidensya ang Department of Justice (DOJ) upang magsagawa ng imbesitgasyon ayon kay Guevarra.

Anomang pangingikil ng mga lokal na terrorista o mga politiko na susuporta sa Communist Terrorist Group (CTG) ay mananagot sa paglabag sa Anti-Terrorism Financing Act of 2012 at Anti-Terror Act of 2020 at haharap sa habambuhay na pagkakulang at hindi makapagpapiyansa.

Nakatala bilang terrorist organization ang CPP-NPA sa United States, European Union, United Kingdom, Australia, Canada, New Zealand, at Pilipinas.

Itinalaga naman ng Anti-Terrorism Council noong Hunyo 23,2021 ang National Democratic Front (NDF) bilang isang terrorist organization, integral at ‘di maihihiwalay na bahagi ng CPP-NPA na binuo noong Abril 1973.

(Ritz Barredo | La Verdad Correspondent)