Anti-drug war, muling binigyang diin ng Pangulo kasunod ng pagbabalik ng PNP-Anti-Drug Operation

by Radyo La Verdad | March 9, 2017 (Thursday) | 1397


Lunes nang muling ibalik ng Philippine National Police ang operasyon kontra illegal drugs sa pangunguna ng binuong PNP Drug Enforcement Group o P-DEG.

Nagdesisyon si Pangulong Rodrigo Duterte na paganahin muli ang pwersa ng pulisya upang maging katuwang ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA sa pagsugpo sa talamak na iligal na droga sa bansa.

Kagabi, binigyang diin ng pangulo ang maigting na kampanya kontra droga at korupsyon.

Ayon sa punong ehekutibo, nasa apat na milyong Pilipino ang lulong sa ipinagbabawal na gamot, kabilang na rito ang mga lokal na opisyal at libu-libong pulis.

At sa unang pagkakataon, binanggit ni Pangulong Duterte ang lalawigan ng Cebu na mayroong pinakamataas na reported drug use.

Samantala muli ring nagbabala ang pangulo sa mga tiwaling opisyal ng pamahalaan mula sa may pinakamababang pwesto hanggang sa mga bumubo sa kaniyang gabinete.

Tags: ,