Taon-taon, 200 bilyong piso ang nawawalang pera sa Pilipinas dahil sa smuggling.
Ayon kay Federation of Philippine Industries, isa sa humatak sa mga smuggler sa bansa ay ang implementasyon ng TRAIN law.
Inihalimbawa ni Arranza ang talamak na smuggling sa sigarilyo dahil sa mahal na presyo nito dulot ng mas malaking tax.
Upang masugpo ang smuggling, hinirang ng bagong tatag na Anti-Crime Council of the Philippines si dating PNP chief at ngayoy Bureau of Corrections (BuCor) Director Ronald Bato Dela Rosa.
Ang ACCP ay isang bagong tatag na grupo na binubuo ng iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan at ng pribadong sektor. Bagamat layunin ng ACCP na labanan ang iba’t-ibang uri ng krimen, nakatutok ito ngayon sa pagsugpo sa smuggling sa bansa.
Ayon kay Dela Rosa, malaki ang posibilidad na gamitin nila ang Oplan Tokhang upang masugpo ang smuggling.
Suportado naman ng Philippine National Police (PNP) ang hakbang ni Dela Rosa at nakahandang tumulong sa tokhang laban sa mga smuggler.
Isusumbong ng mga negosyante na miyembro ng ACCP ang mga smuggler upang ma-tokhang ng PNP.
Nakahanda ang ACCP na magsampa ng kaso laban sa mga personalidad na mapapatunayang lumalabag sa batas.
( Mon Jocson / UNTV Correspondent )
Tags: Anti-Crime Council, Pilipinas, smuggler