Anti-Corruption Task Force na pinangungunahan ng DOJ nakatanggap na ng 60 reklamo sa kurapsyon

by Erika Endraca | November 23, 2020 (Monday) | 17267

METRO MANILA – Nagsimula nang tumanggap ng reklamo ukol sa kurapsyon ang binuong task force anti-corruption sa pamamagitan ng kanilang operations center.

Sa ulat ng doj, nasa anim na pung complaints na ang kanilang natanggap at karamihan dito ay laban sa mga regional o district office ng DPWH.

Kasama rin sa mga inirereklamo ay mga tauhan ng bureau of customs, Department of Transportation, Land Transportation Office, DOH, PhilHealth, BIR at maging ang mga Local Government Unit.

“They (Task Force Anti-Corruption) have operations center set up at the DOJ and they screen the complaints to see which appear meritorious if they do appear meritorious they forward it to the office of the ombudsman” ani Senate Committee on Finance Chairperson, Senate of the Philippines Sen. Sonny Angara.

Marami sa mga report ay may kinalaman sa mga maliliit na transaksyon at ilang iregularidad o proyekto na daan-daang milyong piso ang halaga.

Ayon kay Doj Secretary Menardo Guevarra, ang mga reklamo ito ay nasa ilalim ng nakaraan at kasalukuyang administrasyon.

Aniya, kasalukuyang ini-evaluate ang mga report sa pangunguna ng mga state prosecutors upang malaman kung alin ang bibigyang prayoridad sa imbestigasyon.

Tinatawagan na rin ng pansin ng DOJ ang mga sangkot na ahensya para sa maayos na gagawing imbestigasyon sa hinaharap

(Dante Amento | UNTV News)

Tags: ,