Anti-colorum campaign ng DOTr nakahuli na ng mahigit 2000 sasakyan

by Radyo La Verdad | June 7, 2018 (Thursday) | 3836

Nakahuli na ng mahigit sa dalawang libo apat naraan at pitumpo (2,470) na mga sasakyan ang Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT) sa kanilang anti-colorum campaign sa loob ng isang taon at siyam na buwan.

Ayon kay DOTr Undersecretary for Road Transport and Infrastructure at I-ACT overall head Tim Orbos, higit na mas marami ito sa nahuling 1,744 na colorum na mga sasakyan sa loob ng limang taon at anim na buwan ng mga nakaraang administrasyon. Malaking tulong din aniya ang partisipasyon ng publiko.

Naniniwala si Orbos na sa pamamagitan ng kanilang mahigpit kampayanya ay nabawasan ang dami ng sasakyan sa Metro Manila.

Tags: , ,