Anti-Age Discrimination Law, magbibigay ng mas malaking oportunidad sa mga manggagawang Pilipino – PCCI

by Radyo La Verdad | August 5, 2016 (Friday) | 2679

AIKO_ANTI-AGE-DISCRIMINATION
Ganap nang batas ang Anti- Age Discrimination in employement act matapos na ito ay hindi mapirmhan ng dating pangulong aquino pagkalipas ng 30 araw ng pagkakatanggap ng malakanyang mula sa kongreso.

Nakasaad rito na hindi na magiging basehan ng mga employer ang edad sa pagtanggap ng mga aplikante.

Saklaw nito ang lahat ng employer maging ang mga contractor, sa local o national government o sa ano pa mang organisasyon.

Sang-ayon naman ang Philippine Chamber of Commerce and Industry sa pagsasabatas nito.

Ayon kay PCCI Chairperson Donald Dee mabibigyan na ng oportunidad na makapagtrabaho ang mga may kakayahan pa nguni’t hindi lang natatanggap sa mga trabaho noon dahil may nakatakdang edad na hindi tataas sa 40 taong gulang.

Nakapaloob din sa RA 10911 na ang sinomang employer na hindii susunod rito at lilimita sa edad ng mga tatanggapin nila ay papatawan ng multang nagkakahalaga ng P50,000 hanggang P500,000 at maaaring makulong sa loob ng tatlong buwan hanggang dalawang taon depende sa diskresyon ng korte.

Sa bagong batas, itininuturing ding iligal kung tatanggalin sa trabaho ang mga empleyado dahil magbabase sila sa edad o katandaan nito.

Maging ang hindi pagbibigay ng promotion at training opportunities at ang pagbawas sa sahod o benepisyo dahil sa katandaan ng empleyado.

(Aiko Miguel / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,