Antas ng krimen sa bansa, bumaba – SWS

by Radyo La Verdad | September 13, 2017 (Wednesday) | 4516

Batay sa Social Weather Stations Survey, bumaba sa 3.1 percent ang bilang ng mga nabibiktima ng mga pagnanakaw, pandarambong at maging ng carnapping.

Kumpara naman noong Marso, bumaba ang bilang ng mga pamilyang nagsasabing natatakot sila dahil sa mapanganib na mga lansangan sa Metro Manila. Ang presensya naman ng drug addicts sa National Capital Region ay bumaba ng 11 puntos.

Kinuha ang survey sa pamamagitan ng panayam sa 1,200 respondents sa buong bansa noong June 23 hanggang 26.

Ayon naman sa Malakanyang, ang pagbaba ng bilang ng mga insidente ng pagnanakaw, at physical violence ay dahil sa kampanya ng pamahalaan kontra krimen at iligal na droga.

Gayunman, ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, bagaman positibo ang resulta, marami pa ring dapat gawin ang pamahalaan upang magtuloy-tuloy ang pagkakaroon ng ligtas na mga lansangan at komunidad hindi lang sa Metro Manila kundi sa buong bansa.

 

(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)

 

 

 

Tags: , ,