Anim na mga hinihinalang tauhan ni Mayor Rolando Espinosa Sr. ang nasawi sa mismong bahay nito ng magkaroon ng enkwentro kaninang alas singko ng umaga sa Sitio Tinago, Benolho Albuera, Leyte.
Ayon kay PNP Leyte Police Senior Inspector Jenyzen Enciso, nagpapatrolya ang kanilang mga tauhan sa paligid ng bahay ng mga espinosa ng bigla na lamang silang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang mga lalake.
Ayon kay Enciso labing dalawang kalalakihan ang nakita ng mga police sa loob ng bahay ni Mayor Espinosa ng mangyari ang engkwentro.
Umabot umano ng 30 minuto ang palitan ng putok.
Narecover ng mga otoridad sa crime scene ang 13 assorted long firearms, four caliber .45 pistols at rifle grenades.
Sa ngayon ay patuloy parin inaalam ang pagkakakilanlan ng anim na napatay na suspek habang tinutugis narin ang anim pang pinaniniwalaang kasamahan ng mga ito.
Samantala, patuloy parin ang manhunt operations ng mga otoridad sa anak ni Mayor Espinosa na si Kerwin.
Ang nakababatang Espinosa umano ang itinuturong pinakamalaking drug lord sa buong Eastern Visayas.
Siyam na beses ng naarestong si Kerwin, ang huli ay noong 2015 ngunit kalaunan ay nakakalaya rin.
(Jenelyn Gaquit / UNTV Correspondent)
Tags: Anim na tauhan ng sumukong Albuera Mayor Rolando Espinosa Sr., operasyon ng PNP sa Leyte