Kailangang pagtuunan na ni Commission on Elections Chairman Andres Bautista ang pamilya nito at ang paghahanda ng kanyang depensa sa kinakaharap na impeachment complaint kaugnay ng umano’y tagong yaman nito.
Kaya naman nanawagan ang anim na commissioner ng Comelec sa poll chief na maghain ng leave of absence o di kaya ay tuluyan nang magbitiw sa pwesto.
Ayon sa mga commissioner, ang hindi pagsipot ni Bautista sa budget hearing ng COMELC sa Kamara ay patunay na hindi na nito kakayanin pang hawakan ang tungkulin. Napipisil ng grupo si Commissioner Robert Lim bilang COMELEC Acting Chairman.
Sa isang text message, sinabi ni COMELEC Chairman Andres Bautista na pinag-iisipan pa niya ang patungkol sa pagfile ng leave of absense o pagreresign.
(Asher Cadapan Jr. / UNTV Correspondent)
Tags: Chairman Bautista, COMELEC, leave of absence