Tiniyak ng pamunuan ng 7th Infantry Division ng Philippine Army na nakahanda ang kanilang hanay laban sa mga terorista o anomang grupo na balak maghasik ng kaguluhan sa lalawigan.
Ito ang naging pahayag ni 7th Infantry Division Commanding Major General Angelito De Leon sa kanyang talumpati kasabay ng pag gunita ng kanilang ika dalampu’t syam na anibersaryo sa 4th Ramon Nueva Ecija kahapon.
Dito ipinirada ng militar ang kani-kanilang gamit pandigma kabilang dito ang k-9 security bomb squad, ilang sasakyan at mga clearing operations at rescue team para sa panahon ng kalamidad.
Ayon kay Major General Angelito de Leon mahigit isandaang sundalo na ang kanilang pinadala sa Marawi laban sa mga Maute group na pandagdag sa pwersa ng gobyerno.
Bagamat tuloy-tuloy ang bakbakan sa Marawi nais din tutukan ng heneral ang giyera laban sa New Peoples Army na nagdudulot ng kaguluhan at pananakot sa taong bayan.
Noong nakaraang buwan inatake ng mga umano’y miyembro ng NPA ang national security ng pangulo sa isang checkpoint sa Arakan, North Cotabato.
Pinayuhan din ang mga sundalo na wag sirain ang kanilang magandang imahe lalo na ang karangalan at dignidad ng kanilang tropa dahil hindi maiiwasan na may ilang abusado umano sa kanilang tungkulin
Samantala, pinaragangalan naman ang dalawampung sundalo at individual sa kanilang natatanging galing at katapatan sa kanilang tungkulin.
(Danny Munar / UNTV Correspondent)
Tags: Anibersaryo, Nueva Ecija, Phil. Army 7th Infantry Division