Anibersaryo ng Charlie Hebdo attack, ginugunita ng France

by Radyo La Verdad | January 7, 2016 (Thursday) | 1533
Charlie Hebdo attack Anniversary(REUTERS)
Charlie Hebdo attack Anniversary(REUTERS)

Ginugunita ng France ang unang anibersaryo ng pang-aatake sa tanggapan ng satirical magazine na Charlie Hebdo at Jewish supermarket sa Paris.

Sa pangunguna ni French President Francois Hollande nagsagawa ng tribute sa mga nasawi sa pamamamagitan ng paglalagay ng commemorative plaque sa dalawang lugar.

Umaabot sa 17 katao ang namatay sa dalawang pag-atake.

Naglabas din ng espesyal na edition ang magazine na may caption na “The killer is still out there”.

Sinabi ni Charlie Hebdo Managing Editor Gerard Biard, walang nagbago simula nang mangyari ang pag-atake.

Bagama’t nangungulila umano sila sa mga kasamahang nagbuwis ng buhay.

Hindi rin natinag ang magazine sa pang-aatake ng terorista pero mas naghigpit na sa kanilang seguridad.

Hanggang ngayon ay nagluluksa pa rin ang bansa sa malagim na terror attack noong Nobyembre ng nakaraang taon na ikinasawi ng 130 katao.

Tags: , , ,