Ang ‘Solo Parent Act’

by monaliza | March 13, 2015 (Friday) | 7192

SOLOPARENT

Ang ‘Solo Parent Act’ o ang Republic Act No. 8972 ay batas para bigyan ng komprehensibong serbisyo, pribilehiyo at iba pang benepisyo ang mga solong magulang at kanilang mga anak.

Minarapat ng pamahalaan na mag-isyu ng mga Solo Parent ID para makapag-avail ang isang solong nanay o tatay ng mga benepisyo na nakasaad sa naturang batas

Ang isang solo parent, batay sa RA 8972, ay ang mga sumusunod:

  1. Isang babae na nagluwal ng supling na bunga ng panggagahasa o iba pang crimes against chastity, sa kondisyon na nasa pangangalaga niya ang kanyang anak
  2. Isang magulang na mag-isang tinataguyod ang pagpapalaki sa mga anak dahil sa mga sumusunod na kadahilanan: (a) Pagkamatay ng asawa, (b) Nakakulong ang asawa ng mahigit isang taon, (c) Kakulangan sa pisikal at pagiisip, batay sa sertipikasyon ng isang doktor mula sa pamahalaan (d) Hiwalay na ng mahigit isang taon sa asawa at nasa kanya ang kustodiya ng kanilang mga anak (e) Annulment ng kasal sa asawa at sa kanya ipinagkatiwala ang kustodiya ng mga anak
  3. Isang ina o ama na hindi kasal sa asawa pero pinili na palakihin ang kanyang mga anak sa kanyang poder sa halip na ipaampon o ipamigay sa isang welfare institution
  4. Sinumang indibiduwal na mag-isang nagbibigay ng suporta sa isa o mahigit na bilang na mga bata
  5. Sinumang miyembro ng pamilya na umako ng solong responsibilidad bilang ‘head of the family’ dahil sa pagkamatay, pag-abandona o matagal na pagpapabaya ng mga magulang o isang solo parent

Pamantayan sa pagbibigay ng financial support sa mga solong magulang

Sinumang solong magulang na ang kinikita ay mas mababa sa poverty threshold na itinakda ng National Economic Development Authority (NEDA) at napatunayan, batay sa assessment ng isang social worker ng DSWD ay makatatanggap ng tulong pinansyal mula sa pamahalaan. Ang isang solo parent ay maaaring dumulog sa mga concerned government agency para makakuha ng mga sumusunod na serbisyo:

  1. Health Services (DOH)
  2. Educational Services (CHED, TESDA)
  3. Housing (NHA)
  4. Parental Leave (Employer, DOLE, CSC)

Source: http://www.gov.ph/services/solo-parent/

Tags: , , ,