Ang Dating Daan Chorale, kinilala ng Guinness World Records bilang Largest Gospel Choir

by Radyo La Verdad | October 14, 2015 (Wednesday) | 3030

ADD CHORALE GUNINNESS

Tampok sa ika-tatlumput limang anibersaryo ng programang Ang Dating Daan na ginanap sa Smart Araneta Colesium ang libo-libong bilang ng mga mangaawit na kinilala ng Guinness World Book of Records bilang Largest Gospel Choir.

Umabot ng 8,688 ang bilang ng Members Church of God International Choir.

Natalo nito ang unang record ng Guinness na may mahigit sa apat na libong partisipante.

Bawat myembro ng Choir ay nagmula sa ibat-ibang panig ng bansa at nagtipon upang mag-alay ng mga papuring awit at pasasalamat sa Dios sa tatlumputlimang taong paggabay ‘Nya sa programang Ang Dating Daan.

Isang medley ng mga papuring awit ang pyiesa ng Choir para sa Guinness World Book of Records.

Masususing inobserbahan ng mga representante ng Guinness ang bawat mangaawit ng Choir.

Bago matapos ang gabi ng pasasalamat at pagpuri kinumpirma ni Fortuna Burke Melhelm, official adjudicator ng Guinness ang bagong record ng Largest Gospel Choir in the world.

Panauhing pangdangal naman ang mga persons with disabilities sa anibersaryo ng Ang Dating Daan.

Sampung charitable institution ang pinagkalooban nina Bro. Eli Soriano, Presiding Minister ng MCGI ng tig iisang daang libong piso.

Nagkaloob din ng mga bagong wheelchair para sa mga lumpo at nagbigay ng cash sa lahat ng mga persons with disabilities sa naturang pagdiriwang ng Ang Dating Daan.

Tags: , , ,