Bumili ng walong iPhone 7 ang anak na lalake ng isang Chinese businessman hindi para sa kanyang sarili kundi para sa kanyang alagang aso na si Coco.
Inilabas ng rich kid na si Wang Sicong ang litrato sa verified Weibo account ng kanyang alagang aso.
Aabot sa 7,655 dollars o mahigit 365 thousand pesos ang halaga ng biniling iPhone 7 ni Wang.
Hindi naman sinabi sa post kung anong gagawin ng aso sa sobra-sobrang iPhone na ibinigay dito.
Tags: Anak ng isang Chinese billionaire, ibinili ng walong i-phone 7 ang kanyang alagang aso