Anak ng dating heneral at tumatakbong alkalde sa Zamboanga City, arestado dahil sa droga

by Jeck Deocampo | January 7, 2019 (Monday) | 40870

ZAMBOANGA, Philippines – Naaresto sa isinagawang manhunt operation ng Zamboanga City Police si Ashraf Kayzar Ikbala, 34-taong gulang, residente ng Barangay Tetuan, Zamboanga City nitong weekend. Nakuha sa kaniya ang pitong sachet ng pinaniniwalaang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng ₱156,400, pera at dalawang cellphone.

Si Ikbala ay anak ni dating PNP General Sukarno Ikbala na isa sa mga tatakbo sa pagka-alkalde sa siyudad sa 2019 elections.

Hinuli ito ng mga otoridad sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Catherine Fabian ng RTC branch 16, 9th Judicial Region, Zamboanga City sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o RA 9165 section 5 at 11.

Dati nang nahuli si Ikbala sa isang buy-bust operation subalit nakalaya ito matapos makapagpiyansa.

Ani PSSupt. Thomas Joseph Martir, ang director ng Zamboanga City Police, “mayroon din siyang dating kaso according sa nalaman ko because dati yata siyang nakalabas or dati rin yata siyang nahuli sa shabu rin.”

Sa ngayon ay nakakulong na ang suspek sa Culianan Police Station.

(Dante Amento/ UNTV News)

Tags: , , , , , ,