AMLC tumangging magbigay ng detalye ng bank documents ni Ruby Tuason

by Radyo La Verdad | October 21, 2015 (Wednesday) | 2511

TUAZON
Ipinagutos ng Sandiganbayan 5th Division na magsumite ang Anti Money Laundering Council o AMLC ng mga dokumento sa mga bank account ni PDAF Scam witness Ruby Tuason.

Ngunit tumangging ibigay ng AMLC ang mga dokumentong hawak nila dahil hindi lahat ay may kinalaman sa PDAF scam case ni Senator Jinggoy Estrada.

Base sa AMLC Report, mayroong 80 bank accounts si Tuason na nagamit sa scam, kaya’t hinihiling ng kampo ng senador na masuri ito ng husto.

Binago ng AMLC ang kanilang pahayag at sa halip sinabing isang account lang ni Tuason ang maaari nilang maibigay.

Ayon sa abogado ni Estrada na si Atty. Alexis Abastillas Suarez, handa silang maghain ng perjury at ipa-cite for contempt ang AMLC dahil sa umano’y pabago bago nitong pahayag sa korte. ( Joyce Balancio / UNTV News )

Tags: , , ,