AMLC, nagsagawa ng media briefing kaugnay ng mandato at operational procedures nito

by Radyo La Verdad | March 23, 2016 (Wednesday) | 5581

JULIA-BACAY-ABAD
Nagsagawa ng media briefing ang Anti-Money Laundering Council kaugnay ng mandato at operational procedures nito.

Kabilang sa mga tinalakay ni AMLC Secretariat Executive Director Julia Bacay-Abad ang proseso sa pag-iimbestiga ng kahina-hinalang halaga ng pera.

Tumanggi naman itong magbigay ng detalye sa mga kontrobersyal na kasong hinahawakan nito ngayon tulad ng 81-million US dollar money laundering issue at ang isyu kay Vice President Jejomar Binay.

Samantala, iginiit naman ni Abad na dapat nang isulong sa Kongreso ang pag-amyenda sa Anti-Money Laundering Act upang mapasama ang mga casino at real estate brokers sa masasakop ng naturang batas.

Ang AMLC ang itinuturing na financial intelligence unit ng pamahalaan na nagsasagawa ng ulat laban sa mga suspicious transaction at anumang impormasyong may kinalaman sa money laundering.

(UNTV NEWS)

Tags: ,