Amiyenda sa Anti-Hazing Law at panukalang pag-abolish sa Road Board, pasado na sa Senado

by Radyo La Verdad | February 13, 2018 (Tuesday) | 5533

Emosyonal ang pamilya ng hazing victim na si Horacio “Atio” Castillo III nang ipasa sa third and reading sa senado ang amiyenda sa Anti-Hazing Law. Namigay ng bulaklak ang magulang at kapatid ni Atio sa mga senador simbolo ng pasasalamat.

Sa ilalim ng panukala, tuluyan nag iba-ban ang hazing bilang pre-requisite sa pagpasok bilang miyembro sa isang fraternity o organisasyon. Mas pinalawig rin dito ang kahulugan ng hazing, kung saan sasakupin na nito ang pyschological suffering.

Sinomang opisyal o miyembro ng fraternity na kasali sa initiation rites ay maaaring mapatawan ng pagkakakulong ng hanggang dalawampung taon at multa na 1 milyong piso.

Maging eskwelahan ay mapaparusahan rin at mananagot sa ilalim ng panukala.

Samantala, sabay na ring inaprubahan kahapon ng senado ang panukalang i-abolish ang Road Board.

Ayon kay Senator Manny Pacquiao na siyang may akda ng panukala, napapanahon na upang ibigay na direkta ang pondo nito sa implementing agency na Department of Public Works and Highways at Department of Transportation.

 

( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,