Amerika, nag-donate ng 2 eroplanong pampatrolya sa Pilipinas

by Radyo La Verdad | July 28, 2017 (Friday) | 10674


Libre ang dalawang bagong aircraft na tinanggap nang Philippine Airforce kahapon mula sa Amerika bilang donasyon.

Pinangunahan nina US Ambassador to the Philippines Sung Kim at Defense Secretary Delfin Lorenzana ang turnover ceremony ng 2 Cessna C- 208B plane sa Villamor Airbase.

Ayon kay Sec. Lorenzana, gagamitin ang mga ito sa intelligence, surveillance at reconnaissance.

Bukod sa counter terrorism, magagamit din ang 2 aircraft sa pagsasagawa ng internal security operations, humanitarian assistance, disaster relief at law enforcement.

may kakayahan din aniya itong kumuha ng mga litrato at magsagawa ng detalyadong survey partikular sa mga karagatan upang bantayan ang mga barkong pumapasok sa teritoryo ng bansa.

Ang Cessna C-208B aircraft ay may modern at sophisticated camera at receiver, may capacity na 2 piloto at 2 sensor operators, may maximum endurance na 5 hours and 30 minutes, maximum gross weight na 4011 kilograms, speed na 324 kilometers per hour at fuel capacity na 1,283 liters at nagkakahalaga ng 1.6 billion pesos.

Ang 300th air intelligence and security group ang gagamit nito sa pagpapatrolya sa Sulu Sea, West Philippine Sea at Philippine Rise

(Lea Ylagan / UNTV Correspondent)

Tags: , ,