Amended proposed BBL, pasado na sa Committee level ng Mababang Kapulungan ng Kongreso

by Radyo La Verdad | May 20, 2015 (Wednesday) | 1569

HOUSE OF REPRESENTATIVE_BBL
Sa botong 48-Yes, 18-No at 1-Abstention pasado na sa Committee level ng lower house ang panukalang BBL o ngayon ay tinawag nang Basic Law for the Bangsamoro Autonomous Region.

Sa botong 48-Yes, 18-No at 1-Abstention, pasado na sa committee level ng Lower House ang panukalang BBL o ngayon ay tinawag nang Basic Law for the Bangsamoro Autonomous Region.

Martes ng gabi nang tinapos ng Ad Hoc Committee ang botohan sa bawat amendments na nakapaloob sa Chairman’s and Vice Chairman’s working draft na tumagal ng 13-oras.

Umabot sa 31 ang mga amendment na kanilang ginawa sa BBL.

Kabilang na rito ang pag-aalis sa buong Article-8 o ang probisyon na magkakaroon ng “wali” o ceremonial head o katiwala ng prime minister.

Gayundin ang Armed Forces coordination protocol , sa ilalim nito ay kailangan munang makipag-coordinate ng Armed Forces sa Bangsamoro government kung sila ay magsasagawa ng operasyon sa loob ng Bangsamoro region.

Ang 10% opt in provision naman na una nang kasama sa mga nais burahin sa BBL ay ibinalik ng komite.

Ang 10% opt in ay ang probisyong nagbibigay ng otoridad sa Bangsamoro na otomatikong isasama sa kanila ang mga lugar na mayroong Moro communities kung ito ay makakakuha ng 10% vote.

Ibinalik din ang pagkakaroon ng COA, COMELEC , Civil Service Commission at Commission on Human Rights subalit ito ay gagawing regional office na nasa ilalim ng pamamahala ng national government.

Mayorya ng mga bomoto kontra sa bbl ay kinukuwestiyon ang paglabas ng chairman’s and vice chairman’s draft bill na naglalaman ng mga pahabol na amendments ilang araw bago ang botohan.

Anila hindi ito ang bersyon na pinag-aralan ng komite sa lahat ng pagdinig na isinagawa nila.
Samantala isa sa mga kontrobersyal na pagbabagong isinama sa naaprubahang bbl sa kumite ay ang idinagdag na10 probinsya na mapasasailalim sa bubuing bangsamoro region.

Sa orihinal na bersyon ng BBL ang mga lugar na sakop ng Bangsamoro region ay lima lamang at ang mga ito ay ang;
1. Basilan
2. Sulu
3. Tawi-tawi
4. Lanao del sur
5. Maguindanao.

Subalit sa bangong bersiyon na inaprubahan idinagdag dito ang 10 probinsya.

Kabilang dito ang;
1. Zamboanga del sur
2. Zamboanga sibugay
3. Zamboanga del norte
4. North cotabato
5. Sanggani
6. Sultan kudarat
7. Lanao del norte
8. Davao del sur
9. South cotabato
10. Palawan

Tutol naman ang ilang kongresista na mapasailalim ang kanilang kinakatawang probinsiya sa Bangsamoro government.

Anila oras na mapasama na ang kanilang mga lalawigan sa Bangsamoro region, may kapangyarihan na ang Bangsamoro government na pamahalaan ang kanilang natural resources.

Pangamba ni Zamboanga Sibugay Rep. Seth Jalosjos na kapag bahagi na ang kanilang lugar sa Bangsamoro region hindi na sila maaari pang humiwalay.

Target ng komite na kaagad isalang sa plenary deliberation ang BBL sa darating na Miyerkules

Dito tututulan ng minority group ang pagpasa ng BBL.

Ayon kay House Minority Floor Leader Rolando Zamora hindi nila tatanggapin ang umano’y last minute version na inaprubahan ng komite.

Aniya marami ang mga amendments na idinagdag na hindi ipinaalam sa mga miyembro ng komite.

Tags: ,