Alyansa ng Makabayan Congressmen sa administrasyon, pinag-aaralan nang putulin

by Radyo La Verdad | September 8, 2017 (Friday) | 2279

Nagpatawag na ng emergency meeting ang national executive ng Makabayan bloc para pag-usapan ang kanilang magiging pinal na desisyon.

Kaugnay ito ng nais ng pitong kongresistang miyembro ng Makabayan bloc sa Kamara na kumalas sa super majority ng administrasyong Duterte.

Kasunod ito ng pag-reject ng Commisssion on Appointments kay Department of Agrarian Reform Sec. Rafael Mariano, gayundin kay dating DSWD Sec. Judy Taguiwalo.

Ilan sa mga isyung tinututulan ng grupo sa pamumuno ni Pangulong Duterte ay ang umanoy tuloy-tuloy na counter insurgency, pagpapatigil sa usapang pangkapayapaan, pagtaas ng mga kaso ng pagpatay dahil sa anti-illegal drugs operation ng PNP at ang tila pagpabor umano ng Pangulo sa pamilya Marcos.

Iginagalang naman ng Malakanyang ang posisyon ng Makabayan bloc.

 

(Bernard Dadis / UNTV Correspondent)

 

Tags: , ,