Alternative rehabilitation, plano ng PNP at ibang civil society group para sa mga sumukong drug user

by Radyo La Verdad | September 13, 2016 (Tuesday) | 1064

LEA_PNP
Patuloy na tumataas ang bilang ng mga sumusukong drug user sa bansa bunsod ng pinaigting na kampanya ng Philippine National Police laban sa iligal na droga.

Sa kasalukuyan nasa 658,217 na ang mga sumuko simula July 1 hanggang kaninang umaga.

At dahil sa kakulangan ng rehabilitation centers, karamihan sa mga ito ay bumabalik sa kanilang bisyo matapos sumuko base na rin resulta ng drug operations ng PNP.

Kaya naman plano ngayon ng PNP katuwang ang ilang civil society group na magkaroon ng alternative rehabilitation program.

Kabilang sa mga alternatibong paraan ng rehabilitasyon ang outreach rehab, counselling at meditation sa tulong ng local government units, simbahan at iba pang eksperto upang matulungang magbago ang mga sumukong drug user.

Sinabi rin ni CIVIKA Institute Dr. Elmer Soriano na base sa Assessment ng Dangerous Drugs Board, nasa 1% lamang ng mga sumusuko ang kailangang ipasok sa rehab center o yung nasa malala nang sitwasyon.

Ang 99% naman sa mga ito ay nangangailangan ng alternative rehab o community intervention.

Ang programa ay sa ilalim ng Oplan Paayo (CARE) ng PNP na bahagi ng Rehabilitation, Alternative Program and Intervention of Illegal Drug Dependency o RAPID.

(Lea Ylagan / UNTV Correspondent)

Tags: , ,