Alokasyon ng tubig sa Metro Manila, hindi muna babawasan ng NWRB

by Radyo La Verdad | June 16, 2023 (Friday) | 4419

METRO MANILA – Mananatili ang 52 Cubic Meters per Second (CMS) na alokasyon ng tubig sa Metro Manila mula sa Angat dam.

Ayon kay National Water Resources Board (NWRB) Executive Director Sevillo David, palalawigin ito hanggang June 30.

Nakatakda sanang bawasan ng 2 centimeters ang supply ng tubig sa Metro Manila at mga karatig lalawigan.

Subalit hiniling ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na i-extend pa ang kasalukuyang alokasyon para mapanatiling walang water service interruption.

Kung babawasan anila ang alokasyon ay nasa 623,000 na customers ng Maynilad ang maaapektuhan.

Ayon naman sa NWRB, kailangang mapanatiling nasa normal na operasyon ang lebel ng tubig sa Angat dam para mapaghandaan ang posibleng maging epekto ng El niño sa bansa.

Tags: , ,