Alokasyon ng tubig sa Metro Manila, hindi binawasan ngayong Mayo

by Radyo La Verdad | May 6, 2016 (Friday) | 4143

NWRB
Hindi nagbawas ng water allocation sa Metro Manila ngayong buwan ng Mayo.

Ayon sa National Water Resources Board o NWRB nanatili sa 46 cubic meters per second ang water supply sa Metro Manila mula sa Angat dam.

Sinabi ng NWRB na nakapag-imbak ng tubig sa Angat dam na tatagal hanggang sa sumapit ang tag-ulan.

Hanggang kahapon na sa mahigit na 190 meters ang water level sa Angat.

Nasa kalahati naman ang binawas ng NWRB sa alokasyon ng patubig sa mga palayan na malapit sa dam dahil marami ng magsasaka ng palayang nakapag-ani na sa Pampanga at Bulacan.

Mula sa 15 centimeters na suplay na patubig ay ginawa na lamang ito ng NWRB na seven centimeters.

(UNTV NEWS)

Tags: