Alokasyon ng tubig sa Manila muling binawasan ng NWRB

by Erika Endraca | June 24, 2019 (Monday) | 6022

MANILA, Philippines – Sumasad na sa critical level ang tubig sa angat dam dahilan upang muling mabawasan ng National Water Resources Board (NWRB) ang alokasyon ng tubig sa Metro Manila.

Dahil dito mapipilitan ang Maynilad At Manila Water na mas palawakin pa ang nga lugar na mawawalan ng suplay ng tubig at mas hahaba pa ang oras ng water service interruptions.

Mula sa nakaraang 40 Cubic Meter Per Second (CMS), ibinaba pa ng nwrb ang alokasyon ng tubig sa 36 cms

Sa abiso ng maynilad sa kanilang facebook account may ilang lugar sa Cavite ang labing pitong oras na mawawalan ng tubig.

Labing limang oras sa mga taga Malabon at Caloocan. Dose oras sa Parañaque at Pasay city. Habang pitong oras naman na mawawalan ng patak sa gripo ang mga taga Las Piñas at Muntinlupa.

Para naman sa customer ng manila water, asahan na rin na tatagal ng 12 hanggang 17 oras na walang supply ng tubig partikular na ang ilang lugar sa Quezon City, Mandaluyong, San Juan, Marikina, Makati, Manila, Pasig, Parañaque, Taguig City at Ilang mBayan Sa Rizal.

Ayon sa maynilad at manila water mananatili ang water service interruptions hanggat wala pa ring mga pagulan na siyang inaasahang tanging makareresolba sa problema ng angat dam.

Sa pakikipagugnayan ng nwrb sa pagasa, sinabi ni Executive Director Servillo David na possibleng may maranasang mga pagulan na sa angat water shed sa susunod na buwan.

“Base po sa latest projection ng pagasa ngayong july magkakaroon po ng nga significant rainfall sa angat water shed but we are hoping that in july dating po ng mas maaga yan para po one makapabalik na makapagrecharge yung tubig sa angat dam at magincrease na yung level” ani  NWRB Executive Director, Dr. Servillo David Jr.

Sa pagtaya ng pagasa 2 hanggang 3 bagyo ang kinakailangang magpaulan sa angat water shed upang muling mapuno ng tubig ang angat dam.

(Joan Nano | Untv News)

Tags: , , ,