Alokasyon ng tubig para sa Metro Manila dinagdagan ng NWRB, Maynilad at Manila Water magpapatupad pa rin ng water pressure reduction

by Radyo La Verdad | October 22, 2015 (Thursday) | 1854

WATER
Nagkaroon ng increase na two cubic meter second ang water allocation sa Metro Manila kaya lalakas ang water pressure sa mga customer ng Manila Water at Maynilad.

Sa ngayon, 203 meters na ang water level ng Angat dam subalit kulang pa rin ito sa normal level na 210 meters.

Dinagdagan ng NWRB ang alokasyon bilang paghahanda sa idaraos na APEC Summit ngayong Nobyembre.

Subalit ang mga water concessionaire, tuloy pa rin ang pagpapatupad ng water management plan sa mga customer nito.

Ang Manila Water, tuloy ang pagbabawas ng pressure ng tubig sa mga customer na isang paraan upang matipid ang alokasyon na ibinigay ng NWRB.

Ang Maynilad naman, simula ngayong sabado ay magpapatupad na rin ng water pressure reduction.

Gayunpaman, itutuloy ng Maynila ang water interruption kung hindi tataas ang walter level ng Angat dam ngayong Nobyembre.

Sakaling matuloy ang water interruption ay nasa siyamnaraang barangay ang maapektuhan ng labindalawa hanggang 20 oras na pagkawala ng tubig.

Naglaan naman ng 10 cms na standby allocation ang NWRB para sa irigasyon.

Subalit ayon sa National Irrigation Administration, hindi pa nila ito kakailanganin sa ngayon dahil nalubog sa tubig baha ang mga palayan sa Bulacan, Pampanga, Pangasinan, Isabela at Nueva Ecija.

Ayon naman sa Pagasa, mayroon pa ring banta ng bagyo na maaaring pumasok sa bansa at maaaring magpataas ng lebel ng tubig sa Angat dam. ( Mon Jocson / UNTV News )

Tags: ,