Alliance of Concerned Teachers, nanawagan sa DepEd na bawasan ang paper works ang mga guro

by Radyo La Verdad | July 20, 2018 (Friday) | 8393

Na-depress sa trabaho dahil sa dami ng load sa paper works; ito umano ang dahilan kung bakit kinitil ni Emylou Malate, isang guro sa pampublikong paaralan sa Leyte ang kanyang sariling buhay noong ika-14 ng Hulyo.

Kaya naman nanawagan ang mga kaibigan nito ng hustisya sa Department of Education (DepEd) na gumawa ng social media page “Justice for Teacher Emylou”.

Batay sa post, hindi kinaya ni Emylou ang bigat ng trabaho na isang baguhang guro ngunit tatlong klase ang tinuturuan.

Panawagan ng mga ito, dapat maglagay ang DepEd ng mga school heads na marunong magbigay ng konsiderasyon at may malasakit sa kanilang kapuwa guro.

Bunsod ng insidente, muling nananawagan ang ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa DepEd na bawasan ang load ng mga guro sa mga pampublikong paaralan.

Panukala ng ACT, dapat magdagdag ang DepEd ng mga non-teaching personnel na haharap sa paper o clerical works ng mga gurong higit sa isa ang hawak na klase.

Samantala, wala pang pahayag ang DepEd Central Office sa naturang isyu dahil kinakalap pa nila ang detalye ng naturang kaso.

 

( Aiko Miguel / UNTV Correspondent )

Tags: , ,