All-out offensive vs BIFF sa Maguindanao, sinuspinde

by monaliza | March 21, 2015 (Saturday) | 3494

AIRSTRIKE_BIFF 031315

Sinuspinde ng Armed Forces of the Philippines ang all-out offensive laban sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) para magbigay daan sa graduation ng mga mag-aaral sa Maguindanao.

Ipinahayag ni 601st Brigade Commander Col. Melquiades Feliciano na ginawa ang naturang desisyon sa idinaos na peace and order council meeting nitong Huwebes.

Inaalala lamang ng military ang kapakanan ng mga mag-aaral at ang kanilang nalalapit na pagtatapos kaya’t ikinonsidera nila na pansamantalang itigil ang opensiba laban sa BIFF.

Maguumpisa ang tatlong araw na suspension of military operations (SOMO) sa ika-24 o 25 ng Marso.

Pebrero 25 ng ilunsad ng AFP ang all-out offensive laban sa BIFF dahil sa paglala ng “rido” o away ng mga angkan sa Pagalungan, Maguindanao. (UNTV Radio)

Tags: , , , ,