Alkalde ng mainit Surigao del Norte, itinangging nakatanggap ng Livelihood Package mula kay dating Cong. Edgar Valdez

by Radyo La Verdad | May 26, 2015 (Tuesday) | 1287

Mondano
Tumestigo sa Bail Hearing ni dating Apec Partylist Rep. Edgar Valdez sa Sandiganbayan 5th Division ang Municipal Mayor ng bayan ng Mainit, Surigao del Norte.

Ipinaliwanag ni Mayor Ramon Beltran Mondano na hindi totoong nakatanggap sila ng kahit na anong uri ng financial assistance mula kay Dating Cong. Valdez.

Taliwas din sa mga dokumentong iprinisintang ebidensya sa plunder case ni Valdez, hindi umano sila nagkaroon ng partnership sa National Livelihood Development Corporation o NLDC para mabenepisyuhan ng 166 livelihood and agricultural package mula sa PDAF ng dating kongresista.

Aniya, may “Palayang Bayan Program” ang kanilang munisipalidad na nagbibigay na ng sapat na tulong sa kanilang mga magsasaka.

Lokal na pondo ng munisipalidad ang ginagamit sa programang ito at hindi kailanman pinaglagakan ng PDAF ng sinumang kongresista.

Tags: ,