Alert level status ng bulkang Mayon, posibleng ibaba na anumang araw

by Radyo La Verdad | July 21, 2015 (Tuesday) | 1427

MAYON2
Pinagaaralan na nang Philippine Institute of Volcanology and Siesmology o Phivolcs na ibaba na sa 1 ang alert status ng bulkang Mayon

Ito ay dahil na rin sa mababang aktibidad ng bulkan nitong mga nakaraang buwan.

Ayon kay Ed Laguerta ang resident volcanologist ng Phivolcs sa Albay naging tahimik na ang bulkan matapos ang ilang buwan ding pag-aalburuto.

Itinaas sa alert level 2 ang bulkang Mayon noong Disyembre nang nakaraang taon dahil sa heigtened activity na ipinakita nito gaya ng madalas na volcanic quakes at pagbubuga ng abo.

Sa ngayon ay kaunti na umano ang naitalang volcanic quakes ng Mayon at napakababa na rin ang volume ng ibinubuga nitong abo

Ayon din sa isinagawang ground deformation survey sa Mt. Mayon ilang araw pa lang ang nakakaraan ng mga volcanologist na mula pa sa Philvocs main office sa Maynila ay bahagya na lamang ang pamamaga sa dalisdis ng bulkan.

Ngunit ayon kay Laguerta, kailangan pa nilang ituloy ang kanilang pag aaral sa bulkan sa loob ng ilang araw at kung magtutuloy-tuloy na ang pananahimik nito ay agad nilang ibababa ang alert level status nito.(Allan Manansala/UNTV Correspondent)