Alert level status ng Bulkan Mayon, itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology sa alert level 1

by Radyo La Verdad | September 8, 2016 (Thursday) | 1350

ALLAN_MAYON
Muling itinaas ngayon ng Philippine Institute of Volcanologist and Seismology o PHIVOLCS ang status ng Mt. Mayon sa Albay matapos kakitaan ng mga abnormalidad sa paligid nito.

Ayon kay Dr. Ed Laguerta, Senior Science Specialist ng PHIVOLCS may apat umano silang naging batayan kung bakit itinaas sa dating alert level zero sa level 1 ang bulkan.

Isa mga parameters na kanilang tinitingnan ay ang double pagtaas ng gas emission ng bulkan.

Ang dating 500 tones per day ngayon ay umaabot sa mahigit 1000 tonelada simula noong buwan ng Hulyo.

Sa resultang ipinalabas ng ahensya sa isinagawang precise leveling at electronic distance survey noong mga nakaraang buwan sa bahagi ng Sto.Domingo,Albay.

Nagkaroon ng inflation o pamimintog ng edipisyo ng Mt. Mayon na possible umanong dulot ng paggalaw ng magma sa ilalim nito.

Umabot din sa 146 volcanic quakes ang recorded ng PHIVOLCS noong August 3 hanggang 6.Sapat umano itong dahilan para itaas ang alert status nito.

Dagdag pa ni Dr. Laguerta walang dapat ikabahala mga residente sa Albay.

Ito ay magbibigay lamang umano ng karagdagang pag-iingat lalo na sa mga residente maging sa mga turistang nagpaplanong umakyat sa tuktok ng Mayon.

Ipinagbabawal naman ang pagpasok sa 6 kilometer permanent danger zone sa palagid ng Mt. Mayon.

(Allan Manansala / UNTV Correspondent)

Tags: ,