Alert level 1 sa NCR at 38 lugar sa bansa, epektibo ngayong araw

by Radyo La Verdad | March 1, 2022 (Tuesday) | 2003

METRO MANILA – Ngayon ang unang araw na ibababa sa pinakamaluwag na COVID-19 restriction ang National Capital Region (NCR) mula nang magsimula ang pandemya 2 taon na ang nakalilipas.

Simula ngayong araw (March 1) hanggang March 15, iiral ang Alert Level 1 o ang new normal sa NCR at sa 38 lugar sa bansa.

Sa ilalim ng Alert Level 1, balik na sa 100%  ang operational capacity ng mga establisyimento at public transportation.

Pero sa mga indoor establishments gaya ng personal care services at mga cinema kailangan pa ring magpakita ng proof of full vaccination ang mga edad 18 pataas.

Pinapayagan na ang contact sports at wala ng age restriction sa intrazonal at interzonal travel.

Tila balik na sa normal ang lahat maliban sa pagsusuot ng facemask na mandatory pa rin kapag lalabas ng bahay.

Bagaman hindi na ipatutupad ng mga otoridad ang physical distancing hinihimok pa rin ang publiko na sundin  ito.

Ayon sa Malacañang kapag mas bumuti pa ang sitwasyon sa ibang lugar sa bansa at tumaas ang kanilang vaccination rate na pasok sa metrics para maibaba sa Alert Level 1 ang isang lugar, mas marami pa ang mai-sasailalim sa pinakamaluwag na COVID-19 restrictions sa susunod na mga linggo.

“Sa mga lugar na nasa Alert Level 1, salamat po sa inyong kooperasyon at pagsunod sa minimum public health standards, pakikipagbayanihan para makapagpabakuna o magpabooster we are seeing the same levels of cooperation in other areas and observing the same patterns even in areas that are still under Alert Level 2 and if these are sustained, we are confident that more areas in the country will be placed under Alert Level 1.” ani Acting Presidential Spokesperson’/Cabinet Secretary Sec. Karlo Nograles.

Tags: