Pinapayuhan ang ating mga kababayan sa South Africa na mag-ingat lalo na ngayong itinaas na ng Department of Foreign Affairs ang crisis alert level 1 doon.
Sa ilalim ng alerto o precautionary phase, pinapayuhan ng embahada ng Pilipinas sa Pretoria ang nasa 900 filipino sa South Africa na maging mapagmatyag dahil sa mga kaguluhang tina-target ang migrants o mga dayuhan.
Nagpahayag na rin ng pagkodena ang DFA sa mga karahasan sa South Africa na nag-ugat sa pagkagalit ng ilang African Nationals bunsod ng kawalan ng economic progress at job shortage .