Pangulong Aquino, ginunita ang Rizal day sa Luneta

by Radyo La Verdad | December 30, 2015 (Wednesday) | 2937

JERICO_PNOY
Ginunita ni Pangulong Benigno Aquino III ang 119th death anniversary at kabayanihan ng pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal sa Rizal National Monument, Rizal Park sa Maynila.

Ang programa ay may temang Rizal 2015: Dangal ng Pilipino, Gabay sa Pagbabago.

Sa mensahe ng Pangulo, magsilbi aniyang inspirasyon sa mga Pilipino ang katapatangan, katalinuhan at ang pagibig sa bansa ni Rizal.

“May we all be inspired by Dr. Jose Rizal’s courage and intelligence, his sense of duty, hunger for knowledge, passion for reform, and undying love of country.” pahayag ng Pangulo.

Nanawagan din ito sa mga Pilipino na maging bayani sa sariling kaparaanan at alalahanin ang sakripisyo ng pambansang bayani na nakabahagi para sa pagpapatatag ng bansa.

Sa kaunaunahang pagkakataon, kasabay ng programa ang pagpapalid ng air assets ng Armed Forces of the Philippines o AFP kabilang ang unang dalawang units ng bagong biling FA-50PH fighter jets.

Kasamang dumalo sa programa sina Vice President Jejomar Binay, Manila Mayor Joseph Estrada, Defense Secretary Voltaire T. Gazmin, AFP Chief of Staff Gen. Hernando Iriberri, at National Historical Commission of the Philippines Chairman Dr. Maria Serena Diokno.

(Jerico Albano / UNTV Radio Reporter)

Tags: , ,