Alegasyong sangkot ang LP sa P100-M bribery sa ilang kongresista, binawi ni Gov. Imee Marcos

by Radyo La Verdad | July 26, 2017 (Wednesday) | 1992


Binawi ni Governor Imee Marcos ang una nitong pahayag na nag-aakusa sa Liberal Party na nasa likod umano ng 100-million pesos bribery sa ilang kongresista kapalit ng kanyang pagkakaditine sa lower house.

Ito ay matapos magbabala si House Majority Floor Leader Rudy Fariñas na mapipilitang i-cite in contempt ang gobernadora kung hindi nito sasabihin ang pangalan ng source sa kanyang akusasyon.

Sa inilabas naman na pahayag ni Senate Minority Leader at Liberal Party Vice Chairman Senator Franklin Drilon.

Sinabi nito na nararapat humingi ng paumanhin sa partido si Gov. Marcos kasunod ng kanyang pagbawi sa naturang akusasyon.

Samantala nagpasalamat naman si dating LP member Congressman Fariñas sa paglilinis sa pangalan ng Kamara kaugnay sa alegasyon.

(Rajel Adora / UNTV Correspondent)

Tags: , ,