Ipinagtanggol ng Malacanang ang Cash Conditional Transfer O CCT program ng DSWD laban sa alegasyon ni Vice President Jejomar Binay na may katiwalian o iregularidad sa listahan ng benepisyaryo ng naturang programa.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr., maliit na porsiyento lamang ang tiwali at hindi karapat dapat na benepisyaryo ng CCT.
Ito aniya ay ayon sa independienteng pagaaral ng Asian Development. Bank at World Bank.
Ayon pa kay Coloma, sa kabuuan ay mainam ang pamamalakad ng DSWD sa mga benepisyaryo nito.
Sa datos ng pamahalaan ay umabot na sa 4.4M ang bilang ng mga pilipino ang nakikinabang sa CCT program ng administrasyong Aquino.(Jerico Albano/UNTV Radio Correspondent)