Alamin: Straw na pwedeng kainin?

by Erika Endraca | June 11, 2021 (Friday) | 2559

GOOD VIBES | Isang Coffee Shop sa San Pablo City, Laguna ang gumagamit ng edible straw para sa kanilang produktong inumin.

Ayon sa netizen na kumuha ng larawan isa itong marangal na hakbang para ipalaganap ang paggamit ng mga produktong makakalikasan.

Ayon sa nabanggit ng netizen ang edible straw ay gawa sa rice at tapioca. Ito raw ay batay sa kanyang pananaliksik at sa pagsusuri ng tekstura nito.

Pahayag pa niya “halos wala rin lasa… Kung alam mo yung Pahiyas ng Quezon, ganun ‘pag kinain sya.”
Hiling pa nga niya sa kanyang post sa social media, “Sana all ganito na rin #JuneIsEnvironmentMonth”

Sa tuwing ika-8 ng Hunyo ginugunita ang World Ocean Day. Ang layunin ng taunang selebrasyon ay maipaalam sa publiko ang epekto ng mga aktibidad ng tao sa karagatan.

Kabilang na rito ang pagbuo ng mga kilusang grupo ng mga mamamayan para sa karagatan.
Layon rin ng selebrasyon na pagkaisahin ang bawat mamamayan sa isang proyekto
para sa sustinableng pangangasiwa ng ating mga karagatan.

Makabuluhan ang epekto kung tatangkilikin ng tao ang mga produktong
gaya ng nasabing edible straw.

Mahalaga na maunawaan natin ang epekto ng plastic wastes hindi lamang sa kalikasan, kundi pati narin sa mga naninirahan dito. Para sa Pilipinas na isa sa pinakamalaking contributors ng plastic wastes sa karagatan masasabing may mga tao na handang tumugon hindi lamang sa pangangailangan ng tao kundi para rin sa kalikasan. Straw na pwedeng kainin? Sa panahon ngayon, posible ang lahat ng mabuting bagay.

(Joram Jeomeri Flores | La Verdad Correspondent)

Tags: