ALAMIN: pwede at hindi pwedeng IDs o dokumento sa voter registration

by Radyo La Verdad | February 6, 2024 (Tuesday) | 2620

METRO MANILA – Inilabas na ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga maaaring gamiting ID o requirements para sa voter registration na magsisimula sa February 12 hanggang September 30, 2024.

Ayon sa komisyon, hindi na tatanggapin ang company o employee’s ID.

Sa paliwanag ng Comelec maaaring gumawa ng maraming company o employee’s ID. Hindi naman ito kaagad mabeberipika kung totoo ba talaga.

Ayon din sa abiso ng Comelec, hindi na rin tatanggapan ang Community Tax Certificate o Cedula at ang police clearance.

kasama naman sa maaaring i-prisenta sa registration ay ang Philsys National ID, Postal ID, Student ID na pirmado ng school authority, SSS ID, NBI clearance, Philippine passport at iba pang government issued IDs.

Ang pagtanggap ng aplikasyon ng pagpaparehistro ay mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon Lunes hanggang Sabado kasama ang holiday. Liban na lamang sa March 28, 29 at 30, 2024.

Maaaring magparehistro ang 18 taong gulang na o mag 18 taon gulang pa lamang sa araw ng eleksyon.

Tags: ,