Alamin: Paano ang paggamit sa bagong 8-digit landline number?

by Radyo La Verdad | October 9, 2019 (Wednesday) | 5174

METRO MANILA – Marahil ay nagka problema ka kamakailan sa pag-contact sa isang tinatawagang numero. Ang dahilan nito ay ang migration order ng National Telecommunication Commission sa mga local telephone companies.

Mula sa dating seven digit number, magiging 8 digit format na ang numero ng mga landline sa buong Metro Manila at mga karatig lugar. Ibig sabihin lahat ng numero na may area code na (02) ay magiging 8 digit number na

Ayon sa NTC, ginawa ang migration upang masapatan ang lumalaking bilang ng mga landline subscriber

Pero paano ba ito gamitin?

Ayon sa mga local TELCOS, madali lang, kailangan mo lang dagdagan ng tinatawag na Public Telecommunications Entity o PTE identifier ang 7 digit number upang maging 8 digit number ito.

Bawat TELCO, may sariling PTE identifier na in-assign ang NTC, number 8 para sa PLDT, 7 sa Globe, 6 sa Convergence, 5 sa Eastern Telecom at 3 para sa Bayantel.

Kung tatawagan halimbawa ang isang PLDT number, idagdag ang number 8 sa unahan ng 7 digit number. Kung Globe naman, idagdag lang ang number 7 sa unahan ng pitong digit number. Ganun rin ang gawin para sa ibang TELCOS gaya ng Bayantel, Convergence at iba pa.

Kung tatawag naman mula sa labas ng Pilipinas kailangang i-dial ang 00 plus country code na 63 plus area code na 2 at ang 8 digit landline number.

Subalit nilinaw ng NTC na hindi mababago ang mga numero tulad ng national complaint hotline 8888 at iba pang emergency special number na less than 7 digit na nagsisimula sa 1 at 9 gaya ng MMDA 136 at Rescue 161.

Simula October 6 hanggang sa Enero sa susunod na taon, makakatanggap ng isang voice prompt ang mga callers na tatawag pa rin gamit ang 7 digit number. Ituturo ng voice prompt na hindi na gagana ang 7 digit number at kailangan nilang i-dial ang 8 digit number ng teleponong tinatawagan.

(Mon Jocson | UNTV News)

Tags: , , ,