Alamin: Mga establisyementong sarado sa Long Holiday

by Erika Endraca | April 17, 2019 (Wednesday) | 10661

Manila, Philippines – Magsasara ang maraming establisyemento ngayong Linggo dahil sa long holiday vacation.

Mga bangko, malls at iba’t ibang serbisyo ang hindi mapapakibangan sa mga panahong ito

Narito ang listahan ng mga saradong establisyemento sa long holiday at ang  mga dapat gawin upang hindi maapektuhan ng pagsasara

Kung mangangailangan ka ng pera para sa bakasyon mas mabuting ngayon pa lang ay mag withdraw na.

Bagamat sinabi ng mga bangko na bukas ang mga atm sa long holiday pero hindi masasabi kung sapat ang pondo nito lalo na at marami ang siguradong mag wi-withdraw.

Lahat ng transaksyon sa bangko mabuting magawa na hanggang Miyerkules dahil sarado na ang ilang mga bangko pagdating ng Huwebes hanggang Linggo.

Lahat ng bangko ay sarado sa araw ng Biyernes, bisitahin ang website ng inyong bangko upang malaman ang limited schedule nila ng Huwebes at Linggo.

Nag abiso na rin ang ilang bangko gaya ng Banco De Oro na hindi magagamit ang kanilang mobile banking applications kaya apektado ang money transfer at ilang online transactions.

Kung magpapadala naman ng pera sa mga remittance centers pwede pang ipadala na ito hanggang Huwebes dahil sarado na lahat pagdating ng Biyernes subalit magbubukas rin naman sa Sabado.

Samantala, sarado sa Biyernes ang Western Union, Cebuana Lhuillier, Palawan Pawnshop, M.Lhuillier, LBC at iba pang money transfer.

Kung staycation naman ang balak ngayong Linggo samantalahin ng pumunta ng mga shopping malls dahil marami ang sarado ngayong Linggo.

Sarado na ang karamihan pagdating ng Huwebes at may mangilan ngilan na bukas ng Biyernes.

Kung plano namang maglakad ng mga papeles para sa trabaho at requirements magagawa mo lang ito hanggang Miyerkules o di kaya’y sa susunod na Linggo dahil sarado na lahat ng opisina ng gobyerno mula Huwebes hanggang Linggo.

Kung magkakasakit, huwag mag-alala dahil bukas ang mga pribado at pampublikong ospital.

Bukas rin ang mga kilalang drug store pero sarado ang maliliit na botika kaya bilhin na ang mga gamot na kailangan.

Batay nga sa  isang kasabihan, daig ng maagap ang masikap kung kaya’t gawin na lahat ng pwedeng magawa bago magsara ang mga establiyementong ito, ngayong darating na Huwebes hanggang Linggo

(Mon Jocson | Untv News)


Tags: ,