Alamin: mga dapat gawin kung may banta ng tsunami sa inyong lugar

by Radyo La Verdad | October 2, 2018 (Tuesday) | 15746

Ang tsunami ay isang salitang hapon na nangangahulugang alon sa pantalan na maaaring idulot ng lindol sa dagat na 33 kilometro o mas mababa ang lalim, pagguho ng lupa sa dagat o submarine landslide, at pagsabog ng bulkan.

Kapag ang tsunami ay higit isang metro ang taas ay maaari na itong makapinsala sa buhay at ari-arian.

Ayon sa o Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ang lahat ng coastal at low lying areas sa bansa ay tsunami prone o may banta ng tsunami lalo na ang mga lugar na malapit sa faultline tulad ng Mindoro, at Batangas.

May posibilidad ng tsunami kapag ang lindol ay magnitude 7 o higit pa at nasa dagat ang epicenter nito.

Ayon kay PHIVOLCS Science Research Specialist II Erlinton Antonio Olavere, maaring biglaan ang pagdating ng tsunami.

Pero kung galing naman sa labas ng bansa ang tsunami, may sapat na oras para makapaglabas ng babala sa pamamagitan ng NDRRMC Operations Center.

Paliwanag Olavere may sea level monitoring, at tsunami alerting siren na nakalagay sa mga baybayin na maaaring magbigay babala sa mga komunidad.

Makikita rin sa hazard mapping ang mga tukoy na tsunami prone areas sa buong Pilipinas.

Ayon sa PHIVOLCS, may mga senyales ang pagdating ng tsunami tulad na lamang ng malakas na paglindol, may ugong o tunog na mula sa dagat at ang biglang pagbaba o pagtaas ng tubig dagat.

Sa ngayon may 100 seismic stations na ang PHIVOLCS na kinaroroonan ng mga sensors para sa mas epektibong pagbabantay sa lindol at tsunami mula sa Batanes hanggang Mindanao.

Paalala ng PHIVOLCS, dapat pangunahan ng local government units at Barangay Disaster Risk Reduction and Management Council ang implementaston sa paghahanda sa mga ganitong sakuna lalo na sa lindol na hindi alam kung kailan mangyayari.

Nagbigay din ng safety tips ang UNTV Rescue Department kapag may banta ng tsunami sa isang lugar.

 

( Cathy Maglalang / UNTV Correspondent )

Tags: , ,