Alamin: Mga dapat gawin at iwasan tuwing kumikidlat

by Erika Endraca | June 25, 2019 (Tuesday) | 34622

MANILA, Philippines – Hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng kidlat tuwing may thunderstorms at kahit saan, maaari itong tumama ayon sa Pagasa.

“Minsan nakikita natin umiilaw lang sa kaulapan. Ang tinatawag natin dun ay ‘cloud-to-cloud’ lightning. Mayroon naman tayong tinatawag na cloud to ground lightning. ‘yung ang tumatama sa atin. Tumatama sa ground or anumang bagay na at random. Kahit na nasa baba ka, kung talagang tatamaan ka ng kidlat ay matatamaan ka talaga kasi lightning strikes anywhere.” Ani Pagasa Rainfall Warning System Chief Vivien Esquivel. Ngunit maaaring maiwasan na tamaan ng kidlat ang isang tao.

Kung sakaling nasa labas at naabutan ng kulog at kidlat:

1. Lumayo sa open field at maghanap ng matibay na masisilungan

2. Huwag gamitin ang cellphone o huwag tangkaing maghanap ng signal

3. Tanggalin ang lahat ng metal accessories sa katawan katulad ng kwintas, relo, at bracelet

4. Kung nasa loob ng kotse: ihinto ang sasakyan, umupo ng tuwid at huwag humawak sa susi o anumang metal

5. Kapag naman nasa labas at wala nang mapupuntahan, gawin ang ‘lightning safety crouch’.

Sa lightning safety crouch, gawin ang squat position at pagdikitin ang dalawang sakong. Sa ganitong paraan, hindi na aakyat sa katawan ang shock ng kidlat na mula sa lupa kundi tutulay lamang sa kabilang sakong. Ipikit ang mga mata at takpan ang parehong tenga.

Kapag nasa loob naman ng bahay:

1. I-unplug lahat ng appliance sa bahay maging ang mga naka-charge na gadgets

2. Iwasang maligo o maghugas ng pinggan

3. Huwag nang kunin ang sinampay kapag kumikidlat

Una ay. I-unplug lahat ng appliance sa bahay maging ang mga naka-charge na gadgets. Sumunod ay iwasang maligo o maghugas ng pinggan. At huwag nang kunin ang sinampay kapag kumikidlat

Samantala, ngayong tag-ulan, hindi man maiiwasan ang maya’t maya pagkidlat at pagkulog, maaari naman nating maiwasan ang maya’t mayang banta ng sakuna kapag tayo ay laging handa.

(Harlene Delgado | Untv News)

Tags: ,