Alamin: Anong serbisyo ang maaasahan ng publiko sa bagong telco na “Dito Telecommunity”

by Erika Endraca | July 12, 2019 (Friday) | 7288
(Unbox PH)

MANILA, Philippines – Binago ng kumpanyang mislatel ang kanilang pangalan kung saan tatawagin ng Dito Telecommunity ang bagong telco player ng bansa.

“Gusto namin kabahan sila dahil bakit kami papasok dito para isipin lang nila, pareho lang yan that would not be fair to the president who spearheaded this that would not be fair to the filipino people who deserve bettle telco service” ani Dito Telecom Spokesperson Attorney Adel Tamano.

Kailangang maghanda ang smart at globe sa pagpasok ng Dito Telecommunity.

Ayon kay Dito Telecommunity Spokesperson, Attorney Adel Tamano, wala namang malalim na kahulugan ang bagong pangalan ng mislatel

“Sa pangalan pa lang na pinili namin dun mo makikita yung aspiration namin na this can be a brand that is acceptable to all classes kaya nga dito eh because its very filipino its inclusive because its here dito, nandito na kami dito na tayo” ani Dito Telecommunity Spokesperson Attorney Adel Tam.

Pero nilinaw ni tamano na wala pang mararamdaman ang mga consumer sa dito telecom ngayong taon dahil sa july 2020 pa sila mag o-operate, ito ay sa kabila na natanggap na nila ang kanilang Certificate of Public Convenience and Necessity (CPCN)

“We are appealing to the public to be a little patient with us we will take sometime to deploy but we want to do it in the right way so you’ll get the best service that you can have” ani Dito Telecommunity Spokesperson Attorney Adel Tam

Aasahan ng publiko kapag nagsimula na ang Dito Telecom sa bansa,  magbibigay sila ng mga serbisyo ng mobile services, Broadband at Business to Business o B2B pero ito ay mas mabilis kumpara sa kanilang mga kalaban.

Mag fo-focus ang Dito sa 4g network at pagloan ay ang 5g network na sampung beses na mas mabilis sa internet iniaalok ng 2 telco. 27 megabytes per second na bilis ng internet ang ipinangako ng dito sa unang taon nito at 55 mbps naman sa mga susunod na taon.

Subalit nilinaw ni tamano na hindi na gagamit ng 2g at 3g network ang dito telecom dahil sa kakaunti na lamang ang gumagamit ng mga mobile phone na naka depende sa naturang mga frequency.

Target din  nila ang mga kabataan o Gen Z na siyang malaking porsyento ng mga mobile internet users.

Bagamat hindi sinabi ni tamano ang detalye sa presyo ng kanilang iaalok na serbisyo, sinigurado naman nito na mas mura kumpara sa inia-alok ng 2 malaking telco.

Samantala 37% ng populasyon ng Pilipinas ang kailangang maserbisyuhan ng dito sa kanilang unang taon at posible na mauna ang Metro Manila.

Sa tulong ng cell-tower sharing policy at ng mobile number portability act ng Department of Information and Communications Technology (DICT), mas mabilis makakuha ng subscribers ang Dito.

Nagbabala naman ang DICT na kung hindi matutupad ng Dito Telecom ang kanilang pangakong serbisyo ay mapipilitan itong bawiin ang prangkisa at ibigay sa iba. Sa April 18, 2023 magpapaso ang prangkisa ng Dito Telecom.

(Mon Jocson | Untv News)

Tags: , ,