Aktibidad ng bulkang Taal, bumaba base sa obserbasyon ng Phivolcs

by Erika Endraca | January 22, 2020 (Wednesday) | 6143

METRO MANILA – Umabot nalang sa 500-600 meters mula sa dating mahigit isang kilometro ang abo na binubuga ng bulkang Taal.

Base ito sa osberbasyon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) Kahapon (Jan. 22). Bumaba na rin sa 344 metric tons ang binubuga nitong sulfur dioxide. Nabawasan na rin ang mga volcanic earthquake.

Kahapon (Jan. 21) 5 nalang ang kanilang naitala mula sa dating 23 kada araw. Pero ayon sa PHIVOLCS mananatiling nasa alert level 4 ang bulkan dahil may nakikita pa rin ang pamamaga ng bulkan at pagaglaw ng magma nito.

“Even if we have a lowered diminishing trend in the earthquakes, the fact is, these earthquakes signify that magma has been intruded. So, thus, eruptible magma that could be erupted na pwedeng iputok ng bulkan whose already in place.” ani VMEPD Chief, Ma. Antonia Bornas.

Sinabi pa ng ahensya na kailangan pa nilang obserbahan ang aktibidad ng Taal volcano sa loob ng 2 Linggo. At kung magtutuloy tuloy ang pagbaba ng aktibidad nito, ikukunsidera nilang ibaba ang alert level ng bulkan.

(Grace Casin | UNTV News)

Tags: ,