Aktibidad na Bulkang Taal, patuloy na tututukan ng PHIVOLCS matapos itaas sa Alert level 3

by Erika Endraca | July 2, 2021 (Friday) | 11389

METRO MANILA – Nagkaroon ng phreatomagmatic explosion sa bulkang Taal kahapon ng 3:16pm.

Ito ang nagtulak sa PHIVOLCS para itaas ang alert sa lavel 3.

Sa phreatomagmatic explosion ay nagkakaroon na ng interaksyon ang magma sa tubig.

Inirekomenda ng PHIVOLCS and evacuation sa Taal volcano island at mga high risk areas ng Agoncillo at Laurel.

Mapanganib ring pumalaot sa lawa.

“Kailangang alamin yung mga areas na ineevacuate, maging ready kung sakaling magtaas ng alerto at siyempre magkaroon ng kayo ng mga pag-ipon ng mga necessary things kung sakaling magkaroon ng evacuation” ani PHIVOLCS OIC DOST Usec Renato Solidum.

Nagsagawa na ng paglilikas ang lokal na pamahalaan katuwang ang mga kawani ng PNP at PCG.

Ayon sa PHIVOLCS, kung magtutuloytuloy ang phreatomagpatic explotions ay posibleng tumaas pa ang alert level nito.

Pero kung huhupa naman sa loob ng 2 linggo ay maaaring naman itong ibaba.

(Rey Pelayo | UNTV News)

Tags: