Aksyon sa umano’y paglabag ni Sen. Trillanes sa secrecy ng executive session, ipinauubaya na sa liderato ng Senado

by monaliza | March 26, 2015 (Thursday) | 1408

GRACE POE-07

Ipauubaya na ni Sen. Grace Poe sa liderato ng Senado ang paggawa ng aksyon sa umano’y paglabag ni Sen. Antonio Trillanes sa secrecy ng executive session.

Matatandaang noong Biyernes, ibinulgar ni Trillanes ang umano’y salo-salo at inuman ng ilang miyembro ng Philippine Army matapos silang yayain ng isang PNP intel officer noong January 24.

Unang iginiit ni Trillanes na inilabas niya ang impormasyon matapos pumayag ng Army Officials na nakausap niya sa labas ng executive session.

Ayon kay Poe, batay sa Senate rule ay bawal ihayag ng sinumang senador at empleyado ang confidential matters maliban na kung pagkasunduan ng 2/3 ng mga senador.

Kapag may lumabag sa panuntunan, puwedeng mapatalsik ang senador sa pamamagitan rin ng 2/3 votes ng kapwa-senador.

Tags: ,